MAY POGING PULIS NA BUMILI SA AKIN NG ISANG BOUQUET NG BULAKLAK. ANG SABI NIYA PARA DAW YUN SA KANYANG……
BAHAGI 2 (PART 2)
“Alin d’yan ang gusto n’yo sir?” Kainis, ang tagal niyang pumili. Inisa-isa pa talaga ang mga bulaklak. Kaya tinanong ko siya.
“Para sa girlfriend n’yo sir, o asawa?” Kunyare ko lang yun. Gusto ko lang talagang maki marites sa buhay niya.
Sagot niya, “Bakit mo na tanong? Magkaiba ba ng taste ang girlfriend at asawa pagdating sa bulaklak?” Ngumiti siya, at umiling lang ako.
“Nalilito kasi ako. Pwede bang ikaw na lang pumili, para sa future wife ko?”
Napalunok ako bigla. Ikakasal na pala siya, samantalang ako, single pa rin.
Edi ginawa ko yung sinabi niya, pumili ako ng pinakamagandang flower bouquet. Inabot ko sa kanya tapos nagbayad siya. And then sabi niya,
“Pwede bang hawakan mo muna, may bibilhin lang ako saglit doon.”
“Okay, sir.”
Pero hindi na siya bumalik.
Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin niya binalikan ang bulaklak. Bigla ko tuloy naalala kung paano kami naghiwalay noon.
Sa Manila na kasi siya nag-aral ng college noon. Hindi rin siya nagpaalam ng maayos sa’kin. Nag-iwan lang ng short message na “i love you, goodbye” Parang nang hit and run ang loko.
Siguro hindi niya kayang magpaalam ng personal. Kaya nagtataka ako kung bakit naging pulis yun, kung mahina ang loob niya. Pero okay na ako, pinatawad ko na siya kahit walang explaination o sorry man lang mula sa kanya.
Sold out na lahat ng bulaklak namin, yung kay ex na lang ang naiwan. Kaya inuwi ko na lang sa bahay namin, baka sakaling puntahan niya ako at kukunin yung bulaklak.
Alas otso ng gabi, pumunta nga siya sa bahay. Naka sibilyan lang siya. Ayaw ko na sana siyang papasukin kasi gabi na. Kinuha ko yung bulaklak para i-abot sa kanya sa gate. Pero sabi ni papa,
“Nak, papasukin mo siya. Kung ayaw mong kausapin, ako kakausap.”
Tapos nagsalita din si mama, “namiss din kasi namin siya. Ikaw lang naman ang hindi.”
Bet na bet kasi talaga nila yung pulis na yun kahit iniwan ako.
Siyempre wala akong magawa, kaya pinapasok ko. Nauna siyang pumasok sa loob, hindi pa niya kinuha yung flowers na bitbit ko.
Ito na, nakaupo kaming lahat sa sala. Nagkamustahan sila ng mga magulang ko. Tuwang-tuwa talaga sila. Parang na out of place tuloy ako. Parang ako yung dayo. Tapos hindi ko namalayan na habang nakaupo ako, hawak-hawak ko pa rin pala yung bouquet. Nakalimutan kong ilapag. Ang ending para siyang nanligaw ulit sa’kin!
Loko din yung parents ko eh. Sinabi ba naman kay ex na wala pa akong boyfriend. Tapos nag give way sila para makapag-usap kaming dalawa. Alam n’yo yung pakiramdam na ma hot seat? Yung hindi mo alam kung anong sasabihin, paano umpisahan ang usapan. Hangga’t maaari, ayoko na rin talagang pag-usapan yung past naming dalawa.
“Kumusta ka na?” Sabi niya.
“Okay lang naman. Ito, kunin mo na. Baka mamaya hinihintay na ‘to ng girlfriend mo. Sige ka, baka pag-awayan n’yo pa ‘to kasi wala siyang natanggap na flowers.”
Tumawa siya ng mahina. Sabi niya, “Hindi kami mag-aaway nun, kasi….binigyan ko na siya ng napakagandang bulaklak kanina.”
Natigilan ako dun. Ayaw kong mag assume na ako yung girl na yun, pero baka bumili siya ng bagong flowers sa ibang shop kanina.
Bigla siyang tumabi sa’kin. And again, nagtitigan kami.
“I’m sorry….i’m really sorry.” Sabi niya, mahina lang. I don’t know, pero parang piniga yung puso ko dun sa sinabi niya. For how many years muli kaming nagkita, tapos hindi pala niya nakakalimutan yung ginawa niya sa’kin. Alam kong pinatawad ko na siya, pero may part pa rin kasi sa puso ko na gusto kong marinig yung “sorry” niya. Kasi hindi ko alam kung anong kasalanan ko noon, kung may pagkukulang ba ako, kung may mali ba sa’kin. At yun ang dahilan kung bakit takot na akong pumasok sa isang relasyon. Ayokong dumating sa point na tatanungin ko na naman ang sarili ko kung mahalaga pa ba ako sa isang tao.
Kaya malaking bagay yung paghingi niya ng tawad sa’kin. Kahit paano gumaan ang loob ko.
“Ano ka ba, matagal na yun….matagal na kitang pinatawad.”
Tapos bigla niya akong niyakap, umiyak siya.
“Hindi kita gustong iwan noon, kaya hindi ako nagpaalam sa’yo, kasi ayaw kitang makitang umiiyak. Alam mo naman yun, diba? Masakit sa’kin na iwan ka, pero kailangan kong gawin yun. Mahal na mahal pa rin kita……”
Nadala na din ako sa emosyon niya.
“Wait lang….you mean, itong flowers ay….”
“Yes. Para sa’yo.” Ninakawan niya ako ng halik sa lips. Hindi man lang ako tinanong kong may feelings pa ba ako sa kanya.
Eh syempre, na dala nga diba? So sinabayan ko na din. Tapos biglang lumabas sina mama, tuwang-tuwa. Nagpalakpakan pa! Feeling ko planado nila yun.
Ayun, nagkabalikan kami ng ex kong pulis. May dahilan pala kung bakit takot akong makipagrelasyon ulit. Hindi ko akalaing hinihintay ko pala siyang bumalik.
